Nasabat ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), sa ilalim ng pamumuno ni District Collector Alexandra Lumontad at sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG), ang anim na inbound parcel na naglalaman ng kush, isang high-grade na uri ng marijuana, na may tinatayang halaga sa merkado na PHP2,253,800.
Tag: BOC-Port of Clark
BOC-Port of Clark Naharang ang PhP1.161M na Ecstasy na Nakatago sa Heating Boiler
Matagumpay na naharang ng Bureau of Customs (BOC)—Port of Clark sa ilalim ng pamumuno ni District Collector Jairus Reyes ang shipment na naglalaman ng mahigit PhP1.161 milyong halaga ng Methylenedioxymethamphetamine, na mas kilala sa tawag na “Ecstasy,” na nakasilid sa isang heating boiler.
BOC-Clark Nasabat ang PhP729K halaga ng Mataas na Uri ng “Kush”
Nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Clark sa ilalim ng pamumuno ni District Collector Jairus Reyes ang mataas na uri ng marijuana na “Kush” na nagkakahalaga ng Php 729,000 na idineklarang mga kasuotan.
BOC-Clark nasabat ang PhP3.084 milyon na Halaga ng Mataas na Uri ng “Kush”
Ang Bureau of Customs (BOC) – Port of Clark, sa ilalim ng liderato ni District Collector Jairus Reyes sa patuloy nitong kampanya laban sa ilegal na droga, ay nakahuli ng 2.56 kilong mataas na uri ng marijuana, o “Kush,” na nagkakahalaga ng PhP3.084 milyon, sa pakikipagtulungan ng Customs Anti-Illegal Drug Task Force (CAIDTF), Philippine National Police – Aviation Security Group (PNP-AVSEG), National Bureau of Investigation (NBI) Pampanga District Office, Department of Justice (DOJ), at mga lokal na opisyal mula sa Brgy. Dau, Lungsod ng Mabalacat.