Matagumpay na naharang ng Bureau of Customs (BOC)—Port of Clark sa ilalim ng pamumuno ni District Collector Jairus Reyes ang shipment na naglalaman ng mahigit PhP1.161 milyong halaga ng Methylenedioxymethamphetamine, na mas kilala sa tawag na “Ecstasy,” na nakasilid sa isang heating boiler.
Ang shipment na idineklara bilang “Central Heating Boiler” ay nagmula sa bansang Germany at dumating noong Disyembre 4, 2024.
Napansin ang mga hindi pangkaraniwang imahe sa pamamagitan ng masusing profiling at X-ray scanning ng mga operatiba mula sa BOC X-ray Inspection Project (XIP). Isang K-9 sniff test ang nag-tulak sa isang masusing physical na examinasyon na nagresulta sa pagkakatuklas ng 2.05 kilo ng Ecstasy na nakatago sa shipment.
Isinagawa ang nasabing physical examination kasama ang mga kinatawan mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office III, PNP Aviation Security Unit General Aviation, PNP Drug Enforcement Group III, NBI Pampanga, at mga Barangay Officials ng Dau, Mabalacat City.
Sa isinigawang pagsusuri ng Philippine Drug Enforcement Agency, nakumpirma ang presensya ng Methylenedioxymethamphetamine, isang mapanganib na droga at alinsunod sa R.A. No. 9165.
Ipinahayag ni District Collector Jairus Reyes ang taos-pusong pasasalamat sa dedikasyon ng mga ahente ng Port of Clark:
“Sa patuloy at sama-samang pagsusumikap ng ating mga ahente, nakamit ang tagumpay na ito. Kaya’t nararapat lamang ang isang pagkilala, ito ay naglalatag ng matibay na pundasyon para sa mga susunod na taon,” aniya.
Nag- issue ng Warrant of Seizure and Detention para sa illegal na kargamento dahil sa paglabag sa Section 118, Section 119, at Section 1113 ng R.A. No. 10863, o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), kaugnay ng R.A. No. 9165.
“Itong pinakahuling tagumpay na naharang ay nagpapakita ng aming determinasyon na protektahan ang ating mga hangganan at tiyakin ang kaligtasan ng ating mga mamamayan,” ayon kay Commissioner Bienvenido Y. Rubio.
“Kami ay patuloy na makikipagtulungan sa mga katuwang na ahensya upang matukoy at maagapan ang mga banta, tulad ng Ecstasy, na nagpapahamak sa kapakanan ng ating bansa,” dagdag pa niya.
XxxxxxxxxX
Samantala, bago magtapos ang taong 2024 ay nais kong samantalahin ang pagkakataong ito upang Pasalamatan ang mga kaibigan at kapamilya sa loob at labas ng Aduana na walang sawang sumusuporta sa inyong likod sa pangunguna ng aming mahal na Komisyuner Bienvenido Y. Rubio, Deputy Commissioner for AOCG Atty Vener Baquiran, Port of Manila District Collector Alex Alviar, Port of Clark District Collector Jairus Reyes, MICP District Collector Rizal Torralba,Port of Batangas District Collector Atty. Noah Dimaporo, Collector Jason Pagala, MICP CIIS District Office sa ilalim ng pamumuno ni Spy Officer Alvin Enciso, Account Management Office Assistant Chief Bart Flores, MICP Section 5 Chief Ramoncito Manahan, MICP Setion 8 Chief Michelle Gorgoles, ACOO Aya Gopez, Atty Edgardo Padre at sa aking mga Boss Atty. Ruby Alameda, Customs Operation Officer III Alberto Angeles at Port of San Fernando District Collector Jun Barte. Nawa’y bigyan pa kayo ng ating Poong Maykapal ng magandang kalusugan at mahabang buhay…. More Blessings po sa inyo mga mga Ma’am/Sir… GOD Bless Us All…Happy New Year!!! (DEXTER GATOC)