Mayor Honey Lacuna nagpaalalang huwag makisawsaw sa pulitika

Seryosong nagpaalala si Mayor Honey Lacuna sa lahat ng regular na kawani ng Manila City Hall, na huwag makisawsaw sa pulitika kaugnay ng nalalapit na  campaign period para sa mga tatakbong kandidato sa local position.

Ipinaabot ni Lacuna ang kanyang mensahe sa regular flag raising ceremony nitong Lunes na ginanap sa Kartilya ng  Katipunan (KKK), sa mga kawani ng lungsod na may permanenteng posisyon upang mapangalagaan ang kanilang trabaho na hindi masangkot sa partisan politics.

“Gusto ko pong paalalahanan ang bawat kawani lalo na ang may permanent item. Pumasok na po ang campaign period ng national elections. Lagi po nating isaisip na bilang permanente na kawani ng  Maynila o kahit na anong lungsod, mahigpit po nating ipinapaalala sa inyo na dapat tayo ay apolitical,” ayon pa kay Lacuna.

Sinabi ni  Lacuna na sa kabila na may pinili ng kandidato ang bawat isa sa national at local elections, dapat din isipin na bawal silang mangampanya .

Pinag-iingat din ni Lacuna ang mga ito sa paggamit  ng social media platforms sa dahilang  baka ito ay magdulot ng kapahamakan sa kanilang posisyon kung sakaling  may maipahayag na makakasira sa  imahe ng mga tatakbong kandidato para sa nasabing lungsod. (MARISA SON)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights