We Stand and Protect PBBM: People’s Assembly sa lalawigan ng Montalban Rizal, Matagumpay!

Mahigit limang daang (500) mga opisyales at kasapi ng Isang Bansa Pilipino – Ang Bumbero ng Pilipinas Partylist (IBP-ABP) mula sa iba’t ibang mga balangay, pormasyon at sektoral sa mga bayan ng lalawigan ng Rizal, rehiyon 4A o CALABARZON Region, ang dumalo sa kahapon (Dec. 10), sa bayan ng Montalban at nakiisa sa pambansang panawagang “We Stand and Protect PBBM” para kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. at sa bayang Pilipinas nating mahal, para sa kapayapaan at demokrasya tungo sa kaunlaran.

Naging mainit ang pagtangap sa mga pambansang kinatawan ng Isang Bansa Pilipino – ABP Partylist sa pangunguna nina Gov. ER Ejercito, ang dating Gobernador ng Laguna; Unang Nominado ng ABP Partylist, Jose Antonio “Ka Pep” E. Goitia, kasama ang kanyang butihing maybahay at pamilya; Ka Lenin Bacud, ikatlong nominado at isa sa tagapagtatag ng ABP Partylist; Ginoong Winnys O. Bataller, ang pambansang tagapagtag ng Isang Bansa Pilipino; at RJ Villena, ang pangunahing tagapagtipon at tagapagsalita ng progresibong Alyansa Bantay Kapayapaan at Demokrasya (ABKD).


Nagpasalamat ang pambansang pamunuan ng Isang Bansa Pilipino, sa lahat ng dumalo at sumuporta sa nasabing People’s Assembly.
“Nakakataba ng puso ang makita mo ang iyong mga kababayan na mainit na sinusuportahan si PBBM at mga kinatawan ng ABP Partylist. Patuloy kami na mag-oorganisa at magpapakilos ng aming mga malawak na kasapian para sa Administrasyong Marcos Jr.” pahayag ni Ginoong Bataller (BONG SON)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights