BOC Nagbabala Laban sa mga Scammer na Nagpapanggap Bilang si Commissioner Rubio

Nagbabala sa Publiko Ang Bureau of Customs (BOC) pagkatapos makatanggap ng mga ulat tungkol sa bagong scam kung saan may mga indibidwal na nagpapanggap bilang si Commissioner Rubio ng Customs at ginagamit ang ibat ibang Social Media Platforms upang mangikil ng pera.

Ang mga scammer na ito na nililinlang ang mga tao na iniisip na sila ay nakikipag-transaksyon sa isang lehitimong transaksyon at humihingi ng bayad para sa mga serbisyong may kaugnayan sa Customs.

Binibigyang-diin ng Ahensya na hindi ito nakikipag-transaksyon sa pamamagitan ng social media o messaging platforms, kasama ang WhatsApp.

Hinihikayat ng BOC ang publiko na manatiling maingat, lalo na kapag nakakatanggap ng mga mensahe o tawag na humihingi ng sensitibong impormasyon o bayad.

Upang maiwasan ang mga ganitong modus o pandaraya, hinihikayat ng pamunuan ng Bureau of Customs ang mga indibidwal na iwasan ang pakikipag-ugnayan sa mga kahina-hinalang mensahe at agarang iulat ang anumang ganitong insidente.

Ang pag-uulat ay tumutulong sa Bureau sa pagsisiyasat at pagpigil sa mga ganitong kaso sa hinaharap. (DEXTER GATOC)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights