IMINUNGKAHI ni Senador Francis Tolentino na samantalahin ang ipinatutupad na Enhanced Defense Cooperation Agreement ( EDCA) sa pagitan ng Estados Unidos kung saan gamitin ang US Navy plane para sa cloud seeding upang umulan sa mga maiinit na bahagi ng bansa ngayong panahong ng El Niño Phenomenon.
Ayon kay Tolentino magandang matulungan tayo ng US Navy plane sa pagsasagawa ng cloud seeding sa mga lugar na matinding hinahagupit ng El Niño.
Tinukoy ni Tolentino na nang magtungo siya sa Kawayan Isabela at sa lalawigan ng Batanes kung saan umabot sa 45 degrees ang tindi ng init na lubhang kawawa talaga ang mga magsasaka.
Pinaliwanag ni Tolemtino na pasok naman sa humanitarian reason kung gagamitin ang US Navy plane para sa cloud seeding dahil maituturing din na kalamidad ang El Niño.
Aminado si Tolentino na walang sariling eroplano ang Department of Agriculture (DA) para sa cloud seeding kung saan umuupa pa ng eroplano para isagawa ito upang mapaulan ang ilang lugar na tinatamaan ng matinding tag init.
Iginiit ni Tolentino na pagkakataon na magamit natin ang US Navy plane para dito dahil malakas ang kapabilidad na ginagawa nito sa kanilang lugar sa California USA. (Nino Aclan)