Kung noon ay isinasapubliko pa nina Jericho Rosales at Kim Jones ang kanilang maligayang pagsasama tulad ng kanilang pagsuporta at pagbibigay ng ayuda sa mga nasasalanta ng mga bagyo at mga biktima o pangangalaga para hindi tamaan o iadya sa pandemya ang publiko, halimbawa’y pangangalap ng mga donasyon o mula rin sa kanilang lukbutan.
Sabay pa silang tumungo sa Estados Unidos para pataasin pa ang antas ng kanilang propesyon.
Si Jericho ay sumailalim pa sa palihan ng pag-arte bilang umano’y preparasyon sa napipintong paggapi o pagpatol sa kanya ng Hollywood at si Kim naman ay pinasigla pa ang kanyang ibang talento.
Pero wala tayong kamalay-malay na limang taon na pala silang nagkasundo na magiging pangkaraniwan lalaki at babae na lamang bastat magkasama at nagmamahalan bilang magkaibigan.
Ito ang ipinahayag ni Ricco Ocampo, isa sa mga kaibigang matalik at ninong sa kasal nina Echo at Kim.
2019 pa pala nagkasundo ang dalawang ito na sibilyan na lang sila sa isa’t isa.
Samantalang ang tamis-tamis pa ng kanilang pagtitinginan sa mga piktoryal o kaya ay mga okasyon na sila ay magkasama.
‘Yon nga, magkasama pa rin dalawa sa isang photoshoot para sa isang magasin.
At noong isang taon, sa ABS-CBN Ball 2023 ay sila pa ang magkatamisan ang pagsasama at paglakad sa red carpet.
Love team sila sa harap at likod ng kamera sa pananaw ng mga tagapanood.
‘Yon pala’y wala na silang romansa kahit magkasama pa.
O puwede ring maglambingan sa isa’t isa pero wala na ang opisyal na turingan kahit na saksi pa ang batas.
Ayon kay Ricco, ang “amicable separation” ay bunsod ng grasyosa at hinog na mga damdamin at kaisipan na nagmumula sa kaibuturan ng kanilang mga puso.
Tunay na nakakapanghinayang ang ganitong mga pagkahatian para sa dalawang pusong nagmamahalan.
Pero ayon kay Ocampo, mananatiling magkaibigan ang dalawang ito.
Kaya nga lamang ay magkahiwalay na landas na ang kanilang tatahakin.
Pero nandoroon pa rin ang paglago at pag-asenso ng kanilang pagkatao.
Ngayon ay masasabing balanse at payapa na ang pribadong mga buhay nina Echo at Kim.
Ayon sa mga bali-balita, tinututukan na ng kani-kanilang kampo ang pagpapawalang-bisa sa kanilang kasal.
May balita ring naghahati-hati na ang dalawang indibidwal sa mga ari-ariang sakop ng kanilang pagsasama.
***********
Samantala, sinabi ni Michelle Nikki Junia, Presidente ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, na sa 2026 na ang pagbubukas ng ginagawa o kinukumpuni pa lang na pangunahing gusali ng CCP.
Batay sa pagtataya at pagtutok sa mga sirang bahagi ng CCP, 2017 at 2018 pa ay may tinaya nang pagsukat at pagbibigay ng halaga sa mga kukumpunihin pang mga bahagi ng gusali.
Sinimulan ang pagkukumpuni noong Enero ng 2023 at ngayong mga sandaling ito, tatlumpung porsyento na ang nagagawa sa kabuuang pagbubuo ng mga sirang parte ng Sentro.
“Magbubukas muli ang CCP sa 2026 pagkatapis gawin ang mga sirang bahagi. Magbubukas tayo sa 2026 ng mga bago ay kaiga-igayang palabas na kagigiliwanng ating nga kababayan,” wika ni Michelle Nikki.
Tunay na umaabante na ang sining at kultura ng Pilipinas.