Ate Vi Pinakamahusay Na Actress Sa MMFF 2023, Blockbuster Pa Ang Pelikula

Nakahahanga ang sobrang kasipagan ng ating Star for all Seasons Vilma Santos sa pagpo-promote ng kanilang movie ni Christoper De Leon sa MMFF 2023 na “When I Met You in Tokyo.” 

Yes talagang ilang mall ang binisita ni Ate Vi at Boyet kasama ng ibang casts at nakita mismo ng inyong columnist kung paano siya pagkaguluhan at dumugin ng fans sa kaniang theater tour. 

Ang maganda pa kay Ate Vi, ay pinagbibigyan ang gustong magpa-picture sa kaniya. Buong giliw din siyang nakangiti sa lahat. 

Ang concern din ng sikat na actress ay sa producer ng movie nila na si Ma’am Weng at head ng JG Productions na si Ma’am Redgie Magno. 

And wishes granted for Ate Vi, sa goal niyang bumalik ang mga tao sa sinehan at makita niya uli ang haba o mala-ahas na pila sa mga sinehan. At nangyayari ito ngayon dahil isa ang When I Met You In Tokyo sa pinakamalakas sa MMFF 2023. Since mag-open ito sa almost 100 cinemas nationwide noong Dec. 25. 

Mapapanood ito hanggang January 7, 2024 na posible pang ma-extend. 

By the way, aside sa blockbuster ang kanilang movie ay may bonus pang natanggap si Ate Vi, at siya ang nagwaging Best Actress sa Gabi Ng Parangal ng Metro Manila Film Festival. 

Noong una pa man ay hindi hangad ni Ate Vi ang award, dahil mas gusto nito ay mabigyan ng magandang pelikula ang manonood at kumita ito. Kaya hindi talaga nito expected  na mananalo siya. 

Sa kanyang thank you speech ay inihandog ni Ate Vi sa kaniyang mga producer at bumubuo ng kanilang movie ni Boyet also sa lahat ng mga co-nominees for Best Actress like Sharon Cuneta, Gloria Diaz, Marian Rivera etc. 

Narito ang ilan pa sa awards na tinanggap ng said movie: ang Best Float, FPJ MEMORIAL AWARD at wagi rin silang 4th BEST PICTURE.

****************

Film Director, Producer Ryan Manuek Favis Quality Film Ang Pino-produce

Matagal na rin sa movie industry ang new found friend kong film director and producer na si Ryan Manuel Favis na God-fearing person. 

Isa ring talent manager si Direk Ryan na very supportive sa kanyang mga alaga at isinasama niya ang ilan sa kanyang movie projects at concert events. 

Sa ngayon ay gigiling na ang kamera sa latest film ni Direk Ryan at co-director na si Ron Sapinoso na siyang direktor ng “ANG BABAENG AYAW MAMATAY.” 

Pagbibidahan ito nina Ara Mina, Jackielou Blanco, Deborah Sun, Simon Ibarra at Victor Silayan. Isa itong action movie na may kasamang kilig. 

Saka titulo pa lang ay controversial at pang viral. Si Direk Ryan ang executive producer nito. 

Samantala umattend ang buong cast ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay sa ginanap na story conference sa Brentwood Suites  sa Quezon City kung saan galak na ipinakilala ni Direk Ron na scriptwriter ng pelikula ang kanyang likha.  Naging matagumpay ang nasabing storycon. 

Ang Babaeng Ayaw Mamatay ay hindi lamang karaniwang pelikula sa action genre, kundi mayroon ding natatago o misteryosong kwentong pag-ibig. Ito’y isang kakaibang kombinasyon na tiyak na magbibigay aliw at saya sa susuporta sa pelikula lalong-lalo ang mga manonood. 

At dagdag pa ni Direk Ryan,  sa ngayon ay naghahanda ng workshop ang buong production nila para sa isang pelikulang tatak o magmamarka sa kasaysayan ng indie film.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights