Sa korte lang ng Pinas ako haharap- Dela Rosa

NANINDIGAN si Senador Ronald “Bato” dela Rosa na tanging sa korte lamang siya ng Pilipinas haharap at hindi sa tinatawag na Internasional Criminal Court (ICC).

Ayon kay dela Rosa gumagawa pa naman ang justice system ng bansa kung kaya’t walang sinumang hukuman o bansa ang manghimasok sa ating sistema ng hustisya.

Subalit igagalang naman ni dela Rosa ang anumang prosesong ginagawa ng ICC subalit wala silang karapatang makialam at puwersahin ang sinumang mamamayan ng Pilipinas na dumalo sa anumang pagdinig nila at sumagot sa kanilang mga tanong.

Sa ngayon sinabi ni dela Rosa na wala talagang malinawang na koneksyon sa ating pamahalaan ang ICC lalo na’t nagbitiw na ang Pilipinas bilang miyembro nito noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

At naniniwala naman si dela Rosa na magbago man ang maging desisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na muling maging miyembro ng ICC ay hindi naman ganoon kadali dahil sa mayroong prosesong pagdaraan pa.

Tiniyak naman ni dela Rosa na kanyang igagalang ang anumang magiging pasya ng Pangulo ukol sa usapin ng ICC.  

Kaugnay nito sinabi ni dela Rosa na hindi niya hawak ang isipan at damdamin ng 23 pang senador ukol sa kung papayag ang mga ito na muling maging bahagi ng ICC ang Pilipinas.

Paliwanag ni dela Rosa na mayroon silang mga senador na kanya-kanyang opinyon at paniniwala ukol sa isyu kung kaya’t hindi na niya kailangan pang mangampanya ukol sa usaping ito pag ito ay dumating na sa senado. (Nino Aclan)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights