LUMAGO sa P88.30 bilyon ang mga home loan release ng Pag-IBIG Fund sa huling tatlong quarters nitong taon habang nananatiling malakas ang demand, ayon sa mga opisyal ng ahensya noong Miyerkules (Oktubre 11).
Lumaki ng halos P5 bilyon o 6 porsiyento ang halaga ng home loans na inilabas kumpara sa P83.31 bilyon na home loans na inilabas sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Pinondohan ang halagang ito ng 68,211 housing units at ngayon ay nakatayo bilang pinakamataas na inilabas ng ahensya para sa anumang panahon ng Enero hanggang Setyembre.
“Pag-IBIG Fund remains at the forefront in home financing as it accounts for nearly 40% of the total home mortgages in the country. This shows that it continues to fulfill its mandate, not only by providing affordable home financing to Filipino workers, but also by effectively stimulating the housing industry. These are all in line with the call of President Ferdinand Marcos, Jr. to provide our fellow Filipinos with better and dignified lives,” paliwanag ni Secretary Jose Rizalino L. Acuzar, namumuno sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at sa 11 miyembro ng Pag-IBIG Fund Board of Trustees.
(Ang Pag -IBIG Fund ay nananatiling nangunguna sa home financing dahil ito ang bumubuo sa halos 40% ng kabuuang home mortgages sa bansa. Ipinapakita nito na patuloy nitong tinutupad ang mandato nito, hindi lamang sa pamamagitan ng pagbibigay ng abot kayang home financing sa mga manggagawang Pilipino, kundi sa epektibong pagpapasigla ng industriya ng pabahay. Ang mga ito ay pawang naaayon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na bigyan ng mas mabuti at marangal na buhay ang ating mga kapwa Pilipino)
Mula sa kabuuang halaga, idinagdag ni Acuzar na P3.49 bilyon ang inilabas bilang socialized home loans para sa kapakanan ng 8,216 miyembro ng Pag-IBIG Fund na kabilang sa sektor na minimum wage at low income.
Samantala, inaasahan naman ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta na mananatiling mataas ang demand para sa home loans ng ahensya partikular sa huling quarter ng taon kung saan ang galaw ng merkado upang ma-secure ang home financing ay nasa pinakamataas.
“Our home loan releases amounting to P88.30 billion in the last nine months alone have already surpassed the annual releases since Pag-IBIG Fund’s inception up to 2019. And, by the end of the year, we are optimistic that our home loan releases may even reach P130 billion,” pahayag ni Acosta.
(Ang ating home loan releases na umaabot sa P88.30 bilyon sa nakalipas na siyam na buwan lamang ay lumampas na sa taunang release mula nang masimulan ang Pag-IBIG Fund hanggang 2019. At bago matapos ang taon, optimistic tayo na baka umabot pa sa P130 billion ang ating home loan releases)
“We thank our members for choosing the Pag-IBIG Housing Loan to achieve their dream of owning a home. That is why we shall do all that we can to maintain our low interest rates so that we can enable more Filipino workers become homeowners under the most affordable terms,” dagdag pa niya.
(Nagpapasalamat kami sa aming mga miyembro sa pagpili ng Pag-IBIG Housing Loan upang makamit ang kanilang pangarap na magkaroon ng sariling bahay. Kaya naman gagawin natin ang lahat para mapanatili ang mababang interest rate natin para mas marami tayong manggagawang Pilipino na maging homeowners sa ilalim ng pinaka-abot kayang terms.)
Sa kabuuan, inaprubahan na ng Pag-IBIG Fund ang P111.35 bilyong home loans mula Enero hanggang Setyembre upang matustusan ang pagkuha ng 83,063 housing units.
Kabilang dito ang P23.05 bilyon na aprubadong pautang para sa 14,852 borrowers na handa nang ilabas kapag nagsumite sila ng post approval requirements.