Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act (RA) No. 12322, isang batas na nagbibigay sa Department of Education (DepEd) ng kalayaang magpasya sa pagtukoy ng pinakamabisang pamamaraan at estratehiya sa pagtuturo para sa basic education curriculum.
Nilagdaan noong Agosto 2, 2026, ang RA No. 12322, o ang “An Act That Allows the DepEd the Flexibility to Determine the Pedagogical Approaches to Be Implemented in the Basic Education Curriculum,” kung saan inuutusan din ng batas ang DepEd na magsagawa ng komprehensibong pagsusuri sa kurikulum kada limang taon upang matiyak na nananatili itong angkop at epektibo.
Inamyendahan ng RA No. 12322 ang Republic Act No. 10533 o ang “Enhanced Basic Education Act of 2013,” na nagtakda ng mga tiyak na pamantayan at prinsipyo sa pagbuo ng kurikulum.
“The curriculum shall employ the approach deemed most effective by the DepEd to ensure mastery of knowledge and skills after each level,” nakasaad sa Section 1 ng RA No. 12322.
Magkakabisa ang batas makalipas ang 15 araw mula sa pagkakalathala nito sa Official Gazette o sa isang pahayagang may pangkalahatang sirkulasyon.
