GO INALIS MUNA BILANG PINUNO NG SPECIAL OPERATION GROUP STRIKE FORCE KASUNOD N PAGPAPADALA NG SHOW CAUSE ORDER

INALIS muna sa kanyang puwesto  si Special Operations Group-Strike Force head Gabriel Go. 

Kasunod ito ng ipinalabas na  show-cause order (SCO) ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Don Artes, upang pagpaliwanagin sa nag-viral na video ng paninita sa isang guro.

Inamin ni  Artes na natanggap nila ang reklamo ng Teachers’ Dignity Coalition at ACT Teachers Party List noong Miyerkules at sinabihan si Go na huwag na muna pangunahan o lumahok sa clearing operation hangga’t hindi natatapos ang imbestigasyon..

Buo naman ang paniniwala ni  Artes na hindi intensiyon ni Go na ipahiya at lahatin ang mga guro nang sabihan niya ang nasitang teacher kung paano niya tuturuan ng tama ang mga estudyante.

Makikita sa naturang  video na nakita pa ang tangkang pag U-turn ng guro upang makaiwas sa huli at aminado naman siyang nagkamali dahil walang suot na helmet habang nagmamaneho ng motorsiklo.

Ipununto naman ni Artes na may umiiral namang panuntunan ang ahensiya sa mga empleyadong nagpo-post sa socmed partikular ang pagbabawal na magpahiya ng ibang tao kaya’t ito ang titingnan nila kung may paglabag na nagawa si Go.

Binigyang-linaw pa ng opisyal na kailangan din naman aniya nilang mag-post sa socmed upang ipakita sa publiko na may ginagawa silang trabaho, umaaksyon sa mga reklamo, maturuan ang mga kababayan sa mga maling gawain para hindi pamarisan, at proteksyon din sa kanilang kawani.  (Nino Aclan)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Verified by MonsterInsights