ZTE Philippines nagpahayag ng pasasalamat sa kahusayan ng Bureau of Customs-Port of Manila

NAGPAHAYAG ng pasasalamat ang ZTE Philippines, Inc. sa isang liham na ipinadala kay Department of Finance Secretary Ralph G. Recto, kung saan pinuri nito ang natatanging serbisyo sa customs clearance na ibinibigay ng Bureau of Customs-Port of Manila (BOC-POM).

Kinilala sa liham ang kahanga-hangang pagsisikap ni District Collector Alexander Gerard E. Alviar at ng kanyang assessment team, na pinamumunuan ni Acting Deputy Collector Florante P. Ricarte at Formal Entry Chief William Herbert R. Baluyut.

Ang kanilang mahusay na pamumuno at dedikasyon ay naging mahalaga sa mas maayos at epektibong pagproseso ng mga kargamento ng ZTE, na malaki ang naitulong sa tagumpay ng mga kasalukuyang proyekto ng kumpanya.

Pinapahalagahan ng ZTE ang propesyonalismo at mabilis na pagtugon ng POM team sa lahat ng mga alalahanin, gayundin ang pagtiyak sa maagap na proseso ng customs clearance.

Dahil dito, nabawasan ang mga pagkaantala at napaunlad ang kahusayan sa operasyon, na nagbigay-daan sa tuluy-tuloy na mga aktibidad ng negosyo ng kumpanya.

Ang BOC Port of Manila, sa pangunguna ni District Collector Alviar at sa patnubay ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio, ay nananatiling nakatuon sa pagpapalakas ng pakikipagtulungan sa mga negosyo upang matiyak ang mas maayos at episyenteng kalakalan at komersyo sa bansa.

Samantala, binabati ko pala ang aking kaibigan at kalaro sa basketball na si Ramoncito Chito Manahan Jr. aka Mr. Nice Guy, ang magaling at napakabait na hepe ng Section 5 sa Manila International Container Port. Mabuhay ka Sir at sana dumami pa ang katulad mo. (Dexter Gatoc)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights