MINI BUS NA MAY MUKHA NG LADY SOLON, NA-IMPOUND DAHIL KOLORUM

NA-IMPOUND ang sasakyan na diumano’y ginagamit ng isang lady solon kahit walang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) franchise, hindi tama ang kulay at walang kaukulang permit.
Ayon sa mga otoridad, ang sasakyan na may mukha ni Congresswoman Pammy Zamora ay ginagamit umano bilang for-hire service kahit wala anilang tamang dokumento.

Batay sa ulat, naisyuhan ng ordinance violation receipt (OVR) ng Taguig City traffic enforcer si alyas “Ramon”, driver ng mini bus na may malaking print ng mukha ng lady solon, dakong 3:00 ng hapon noong Marso 8, 2025 dahil sa paglabag umano sa Section 100 (no permit to change color), at “colorum”.
“Kung ordinaryong mamamayan ang lumabag, tiyak na may multa agad! Pero siya, isang mambabatas pa man din, eh lumalabag mismo sa batas!” ani ‘Nestor’, isang jeepney driver sa Taguig.
Dahil dito, lumabas din ang impormasyon na maging ang pagpapatayo ng kanyang headquarters at ilan sa mga event sa lungsod ay wala umanong maipakita na kaukulang permit.
“Nakakagalit! Tayo nga, kahit maliit na negosyo, daming permit na kailangang ayusin. Pero siya, porke’t may posisyon, parang may sariling batas? Hindi patas ‘yan!” himutok ni Aling Rosa, isang tindera sa palengke.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights