JOYRIDE PH NAGKASA NG INSPEKSYON LABAN SA ILEGAL, FAKE BIKE RIDERS

NAGSAGAWA ang pamunuan ng Joyride Philippines ng sorpresang inspeksyon sa mga nakaparadang JoyRide bikers sa kahabaan ng PITX nitong Huwebes, February 26, 2025.

Nag-umpisa ang nasabing inspeksyon simula umaga hanggang hapon kasama ang mga tauhan ng PNP. 

“Marami kaming reklamong natatanggap sa mga pasahero na may mga fake at hindi rehistradong JoyRide Bikers ang gumagamit ng JoyRide Uniforms or T-Shirt ng JoyRide tulad ng Habal-Habal na namimik-up ng mga pasahero,” ani ng pamunuan ng JoyRide sa isang pahayag.  

Aniya, simula pa lang umano ito ng kanilang kampanya laban sa ilegal na gawa ng mga pekeng JoyRide bikers.

“Ito ay umpisa pa lamang ng aming paraan upang maiwasan ang mga illegal activities ng mga fake JoyRide Bikers na nambibiktima sa ating mga mananakay o pasahero.”

Sa sorpresang inspeksyon ng JoyRide Philippines, ilang mga kolorum or fake at hindi awtorisadong Bikers ang hinuli ng mga pulis sa paglabag sa batas ng Anti-Colorum Law at kinumpiska ang mga JoyRide T-shirt or Uniforms na kanilang suot. (LB)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights