Chinese New Year celebration simula na sa Jan.24 – Mayor Lacuna

INANUNSYO ni Manila Mayor Honey Lacuna na magsisimula na ang selebrasyon ng Chinese New Year activities sa  January 24 (Friday) sa pamamagitan ng Prosperity Tree Lighting sa Plaza San Lorenzo.

Inaanyayahan ng alkalde ang publiko na lumahok sa festivities, lalo na sa  Binondo na siyang tahanan ng oldest Chinatown sa buong mundo.

Ayon kay Lacuna, ipinagmamalaki ng  430-year-old Manila Chinatown ang kanilang pagiging  must-see destination para sa mga local at foreign tourists, at sinabi pa nito na ang pagbisita sa kabisera ng bansa ay ‘di kumpleto  kung ‘di mararanasan ang  Chinatown area.

Napag-alaman mula kay City Administrator Bernie Ang, deputy chair ng Manila Chinatown Development Council (MCDC) kung saan si Willord Chua naman ang executive director, na ang lighting ng Prosperity Tree, na kilala din bilang  Money Tree, ay nakatakdang maganap dakong alas singko ng hapon (5 P.M.). Inaasahang dumalo ang mga city official at mga kinatawan ng iba’t-ibang Chinese-Filipino organizations. 

Sinabi ni Ang na ang nasabing nakalinyang pagtitipon ay tuloy-tuloy na sa  Chinese New Year  at ginawa sa pakikipagtulungan at suportado ng Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) at ng Manila Chinatown Barangay Organization (MCBO) sa pamumuno ni chairman Jeff Lau, na tumatakbo bilang   third district Councilor sa ilalim ng tiket nina  Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo.

Samantala, napag-alaman kay  Chua  na gaya ng dati, ang Chinese New Year countdown ay  gagawin  sa January 28  ganap na  11 p.m. sa Jones Bridge.

Ang Grand Parade naman ay mag-iikot sa  paligid ng Chinatown sa Binondo, sa  January 29, at magsisimula ng  2 p.m. sa old Post Office site bilang  starting point. (BONG SON)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights