MGA BAGONG DISTRICT COLLECTOR ITINALAGA NI COMMISSIONER RUBIO

USAPANG ADUANA by: DEXTER GATOC

Sa bisa ng Customs Personal Order #B-001-2025 na inaprubahan ni Finance Secretary Ralph Recto, itinalaga ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio si Atty. Marlon Fritz Broto bilang bagong District Collector ng Port of Subic at si Atty. Geoffrey De Vera na pamumunuan naman ang Port of Cebu.

Mananatili naman si Collector Jairus Reyes sa pagtimon ng Port of Clark dahil maganda ang pinapakitang performance ng batang district collector. Mataas ang moral ng mga emplayado ng Port of Clark at suportado nila ang pamumuno ni Collector Reyes.

Tama ba ako Mam Aya???

Ipagpatuloy mo lang Collector. Keep it Up Sir!

Bitbit ng mga magagaling na opisyal na ito ang experience at dedikasyon bilang mga Public Servant upang gampanan ang mabigat na nakaatang sa kanilang mga balikat na resposibilidad upang pangunahan ang kanilang mga Puerto sa pangongolekta ng tamang buwis at pagsugpo sa ibat iba uri ng smuggling.

Malaki ang tiwala ni Commissioner Rubio sa mga opisyal na ito kaya’t binabati ko kayo mga Sir at Congatulations na agad! Nawa’y gabayan kayo ng Poong Maykapal sa pagtupad ninyo sa inyong mga tungkulin.

PORT OF CLARK NATUKLASAN ANG PHP2.65M HALAGANG “SHABU” NA ITINATAGO SA MGA SUPOT NG BUTIL NG KAPE

Sa pamamagitan ng pinaigting na profiling at X-ray scanning, matagumpay na naharang ng Bureau of Customs – Port of Clark sa ilalim ng liderato ni District Collector Jairus Reyes ang apat (4) na supot ng Methamphetamine Hydrochloride, na kilala rin sa tawag na “Shabu,” na nagkakahalaga ng PhP2.652 milyon.

Idineklara bilang “Gift Items Coffee Bags (Variety), Candy or Snacks” ang nasabing kargamento na dumating noong Disyembre 17, 2024 mula sa Estados Unidos.

Bago dumating sa bansa, ang kargamento ay itinukoy ng X-ray Inspection Project para sa pisikal na pagsusuri. Sa isinagawang pisikal na inspeksyon noong Disyembre 19, 2024, natagpuan ng nakatalagang Customs Examiner ang ilang mga gift items at mga coffee bags. Sa karagdagang pagsisiyasat, natuklasan na apat na coffee bags ang naglalaman ng apat (4) na vacuum-sealed na transparent na supot ng Methamphetamine Hydrochloride “Shabu”, na may bigat na 390 gramo.

Kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pamamagitan ng laboratory analysis na ang substansya ay Methamphetamine Hydrochloride, na itinuturing na isang mapanganib na droga alinsunod sa R.A. No. 9165.

Ang mga kinatawan mula sa PDEA Regional Office III, PNP Aviation Security Unit General Aviation, PNP Drug Enforcement Group III, NBI Pampanga, at mga Opisyal ng Barangay ng Dau, Mabalacat City, ay naroroon sa pinagsamang pisikal na pagsusuri.

“Ang tagumpay na ito ay nagpapakita ng aming matibay na dedikasyon sa pagpapalakas ng seguridad ng hangganan ng bansa sa pamamagitan ng pinahusay na pagbabantay at epektibong koordinasyon sa mga katuwang na ahensya,” ayon kay District Collector Jairus Reyes, na pumuri sa operasyon.

Isang Warrant of Seizure and Detention ang ipinalabas laban sa nasabing kargamento dahil sa paglabag sa Section 118(g), Section 119(d), at Section 1113 mga talata f, i, at l (3 at 4) ng R.A. No. 10863, o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), kaugnay ng R.A. No. 9165.

Sa ilalim ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., patuloy ang BOC sa pamumuno ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio sa kanilang matibay na posisyon laban sa smuggling ng droga. “Binibigyan ng Bureau of Customs a ng malaking halaga ang pagpapanatili ng kalusugan ng publiko at ang pagprotekta sa hangganan ng bansa laban sa mga nakalalasong substansya, sapagkat ito ang pundasyon ng isang masigla at maunlad na bansa. Ang walang humpay na pagsisikap ng BOC ay magpapatuloy upang wasakin ang mga ilegal na gawain na isinasagawa ng mga sindikato ng droga,” opisyal na pahayag ni Commissioner Rubio.  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights