Dating Gov. ER Ejercito, ABP Partylist namahagi ng tulong sa mga nasunugan sa Isla Puting Bato

NAGTUNGO sa Delpan Evacuation Center ang tinaguriang  ‘Asyong Salonga’ ng Tondo  na si dating Laguna Gov. ER Ejercito kasama ang grupo ng Ang Bumbero ng Pilipinas Partylist (ABP) sa pamumuno ng kanilang 1st nominee at presidente na si Jose Antonio Ejercito Goitia at ang butihing maybahay nito, para muling magbigay ng ayuda at tulong sa mahigit dalawang libong pamilya na biktima ng sunog kamakailan sa Isla Puting Bato, Tondo, Manila.

Nangako ang ABP Partylist na isusulong sa kongreso ang mga kagyat na programa at serbisyong makatutulong sa pagbangon ng pamilya at pamayanan na naapektuhan ng kalamidad at sunog.

Ang naganap na pamamahagi ng tulong ay sa pakikipagtulungan ng lokal ng pamahalaan at brangay ng Lungsod ng Maynila at ilang kandidato ng ABP Partylist.(BONG SON)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights