Ang Bureau of Customs -Port of Subic sa ilalim ng pamumuno ng magaling na District Collector na si Atty. Ricardo U. Morales II, CESE ay matagumpay na nagsagawa ng bureau-wide na awtorisadong pagsusuri sa droga para sa taong 2024.
Ito ay bilang bahagi ng kanilang pangako na mapanatili ang isang drug-free workplace at matiyak ang integridad ng kanilang mga kawani.
Isinagawa ang aktibidad noong Nobyembre 18, 2024, sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ang inisyatibong ito ay pinamunuan ni District Collector Atty. Ricardo U. Morales II, kasama ang mga operatiba ng at Opisyales ng Enforcement and Security Service at Administration Team sa pangunguna ni Deputy Collector Veronica Granados.
Ang nasabing aktibidad ay mahalagang bahagi ng mga pagsisikap ng BOC na isulong ang propesyonalismo at pananagutan sa loob ng organisasyon. Ipinapakita nito ang patuloy na dedikasyon ng ahensya sa pagsusulong ng kultura ng transparency at disiplina sa hanay ng mga empleyado.
Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni Collector Morales ang kahalagahan ng programang ito, ay nagpatibay sa kanilang pangako na mapanatili ang pinakamataas na pamantayang etikal sa serbisyo publiko.
“Tungkulin din tiyakin na ang mga kawani ay hindi lamang mahusay kundi naninindigan din sa mga halaga ng integridad at pananagutan.”
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang BOC-Port of Subic sa Philippine Drug Enforcement Agency para sa kanilang mahalagang partisipasyon sa maayos at epektibong pagsasagawa ng pagsusuri. Ang pakikipagtulungan ay sumasalamin sa parehong layunin ng dalawang ahensya na magtaguyod ng isang ligtas at drug-free na lugar ng trabaho.
Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, pinagtitibay ng BOC-Port of Subic ang kanilang layunin na manatiling modelo ng ahensya na nakatuon sa paglilingkod sa mga Pilipino nang may kahusayan at integridad.
Mabuhay ka Collector Morales ipagpatuloy mo lang ang epektibo at magandang performance mo bilang isang lingkod Bayan, Keep it Up Sir…. (DEXTER GATOC)