PINANGUNAHAN ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pagpapahusay sa aviation safety katuwang ang mga bansang Indonesia, Malaysia, Singapore, at Thailand sa Regional Aviation Safety Data and Information Sharing Initiative.
Ang inisyatibong ito ay upang pahusayin pa ang seguridad sa mga activities sa pamamahala ng CAAP at magpatupad ng mga hakbang na sumusuporta sa mga layunin ng Asia-Pacific Regional Aviation Safety Plan.
Naging pormal ang kasunduan sa panahon ng 59th Directors General of Civil Aviation (DGCA) Conference kung saan nilagdaan ni CAAP Director General Captain Manuel Antonio L. Tamayo ang isang Memorandum of Understanding (MOU) kasama ang mga counterpart mula sa Indonesia, Malaysia, Singapore, at Thailand.
Ang pagtutulungang ito, na unang iminungkahi sa Asia-Pacific Summit para sa Aviation Safety sa Singapore noong 2023, ay sumasalamin sa pangako ng Pilipinas na tiyakin ang pinakamataas na pamantayan sa kaligtasan ng aviation sa rehiyon.
Ang inisyatiba na ito ay nagtatakda ng pundasyon para sa karagdagang pagtulungan sa mga bansa sa Timog-silangang Asya, na umaasang may maraming bansa ang sasali sa hinaharap, na higit pang isulong ang sama-samang pagsisikap upang matiyak na oigtas Ang airspace para sa mga manlalakbay sa buong rehiyon. (Nino Aclan)