Customs Clark, PDEA nasamsam ang PhP8.314-M halaga ng Ecstasy Tablets na itinago bilang Coffee Beans.

Alinsunod sa layunin na palakasin ang kampanya ng Bureau of Customs (BOC) laban sa ilegal na droga, matagumpay na naagapan ng Port of Clark ang tangkang pagpupuslit ng ilegal na droga sa pamamagitan ng pagkakahuli ng 4,891 Ecstasy tablets, o “party drugs,” na nagkakahalaga ng PhP8.314 milyon.

Natukoy at naharang ng BOC Port of Clark ang kargamento sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at ng BOC Enforcement and Security Service (ESS) – Customs Anti-Illegal Drug Task Force (CAIDTF), at ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS). Napansin ng BOC X-ray Inspection Project ang kahina-hinalang kargamento, na agad na isinailalim sa K9 inspection ng CAIDTF at PDEA, na parehong nagkumpirma sa presensya ng ilegal na droga.

Sa pisikal na pagsisiyasat ng kargamento, natagpuan ang isang (1) kahon ng espresso capsules at tatlong (3) kahon ng coffee beans.

Ang mga Ecstasy tablets ay itinago sa mga coffee beans sa loob ng tatlong kahon, na ipinadala mula sa Netherlands.

Ang mga sample ay ibinigay sa PDEA para sa chemical analysis, na nagpatunay na ang mga tablets ay naglalaman ng Methylenedioxymethamphetamine (MDMA), na karaniwang kilala bilang Ecstasy.

Isang Warrant of Seizure and Detention ang inilabas laban sa kargamento para sa mga paglabag sa Sections 1400, 118(g), 119(d), at 1113 paragraphs f, i, at l (3 & 4) ng Republic Act No. 10863, na kilala rin bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), kaugnay ng Republic Act No. 9165, ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa pamumuno ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio, nananatiling matatag ang Port of Clark sa kanilang pagsisikap na labanan ang pagpupuslit ng ilegal na droga.

“Muling pinagtitibay ng Bureau of Customs ang kanilang pangako kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamamagitan ng mahigpit pagbabantay laban sa pagpasok ng ilegal na droga at mapanganib na mga sangkap sa bansa,” pahayag ni Commissioner Rubio.

Samantala binabati ng pamunuan ng Diyaryo Pinoy ang pagkakatalaga bilang District Collector ng Port of Clark si Collector Jairus Reyes. Malaki ang tiwala ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio sa Opisyales na ito dahil katulad niya, nagsimula din ang karera ni Collector Reyes sa Enforcement and Security Service bilang Special Agent 1 kaya kung border protection lang ang pag uusapan eh bihasa na ang Mamang ito.

Muli, Congratulations po sa inyo Collector Jairus! (DEXTER GATOC)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights