4 TEAMS UNAHANG MAKAPASOK SA SEMIS SPOT

MANILA – INAASAHAN na apat na tropa ang maglalaban para sa dalawang semifinals berth sa 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference sa FilOil Eco-Oil Centre sa San Juan.
Ayon sa mga pag-uulat, lalabanan ng No.1 Akari Charges ang No. 8 Farm Fresh sa alas-6 ng gabi matapos ang bakbakan ng No. 2 Cignal HD at No. 7 Capital 1 Solar Energy sa alas-4 ng hapon para sa knockout quarterfinals.
Kinumpleto naman ng Akari Charges ang eight-game sweep sa elimination, habang napanghawakan ng Foxies ang huling quarterfinal spot matapos sibakin ng PLDT High Speed Hitters ang Choco Mucho Flying Titans via four-setter noong Huwebes, Agosto 22.
Nilampaso ng Akari ang Farm Fresh na may bilang 25-19, 25-22, 25-19, sa una nilang pagtutuos noong Agosto 20.
“Para sa akin, parang itong 8-0 part lang talaga siya ng process eh,” ayon kay Akari outside spiker Grethcel Soltones.
“Hindi siya yung talaga yun na yun. Iyon nga, sabi ko sa mga teammates ko in every huddle na itong ginagawa natin, ito iyong magdadala sa atin kung saan natin gusto pumunta pero kahit nag 8-0 tayo ngayon, wala pa ring kasiguraduhan,” dagdag ni Soltones.

Samakatuwid, ito na kasi ang kanilang ika-walong sunod na ratsada.
Makakatuwang muli ni Soltones sina American import Oly Okaru, Ivy Lacsina, Ced Domingo at Michelle Cobb.
Itatapat naman ng Farm Fresh sina American reinforcement Yeny Murillo, Trisha Tubu, Caitlyn Viray, Rizza Cruz t Aprylle Tagsip.
Ready naman ang team [for the quarters] pero kailangan pa ding mag-ingat, magpakondisyon at mag-focus, sambit ni HD Spikers coach Shaq delos Santos na muling aasa kina Venezuelan import MJ Perez, Ces Molina, Gel Ca­yuna at Jacquei Acuña. (REX MOLINES)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights