Pagbabalik ng Dating School Calendar Panawagan sa DepEd

HINIKAYAT ng grupong Teacher’s Dignity Coalition ang Department of Education (DepEd) ibalik agad sa dati ang ipinapatupad na academic calendar sa mga paraalan.

Sa gitna ito ng malawakang suspensyon ng klase na ipinatutupad sa iba’t-ibang mga eskwelahan sa buong bansa bunsod ng nararanasang matinding init ng panahon sa mga silid aralan.

Ayon kay Teacher’s Dignity Coalition national chairman Benjo Basas, nananawagan ang kanilang grupo na ibalik muli sa mga buwan ng Hunyo hanggang Marso ang klase sa mga paaralan, at ang school break mula sa buwan ng Abril hanggang sa Mayo.

Naniniwala umano si Basas na dapat na mas pabilisin pa ng ahensya ang pagproseso sa pagbabalik sa dati ng academic calendar sa mga paaralan, dahil para sa kanya, kaya na itong maipatupad ng mas maaaga sa susunod na school year sa taong 2025.

 ‘Doable’ pa naman sa ngayon kung ipapatupad na ito, dahil hindi aniya malayo na muling makaranas ng kaparehong dillema ang mga paaralan nang dahil sa matinding init ng panahon kung magtatagal pa ang implementasyon ng mga klase hanggang sa Mayo 2025.

Kinakailangan umano na magkaroon ng “optimal scheme” ang DepEd para sa adjusting sa academic calendar Para sa SY 2024-2025.

Matatandaan na unang iniulat ng DepEd na nasa mahigit 5,000 na mga paaralan na ang nagsuspinde ng on site classes sa buong bansa sanhi ng matinding init ng panahon na nararanasan ngayon nang dahil pa rin sa epekto ng El Niño phenomenon. (LB) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights