Dagsa ng pasahero ngayong Undas inaasahan; PITX nagpaalala sa mga biyahero

PINAALALAHANAN ng pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang mga biyahero na uuwi sa kanilang probinsiya sa darating na Undas.

Ayon sa PITX, aabot ng 2.4 milyon na pasahero ang magtutungo doon mula Oktubre 21 hanggang Nobyembre 5, kaya inaasahan ang matinding trapiko.

Tiyak umano na dadagsa ang mga pasahero sa darating na Oktubre 30 hanggang 31.

Kaya naman ang payo nila mga pasahero, agahan na lamang pumunta sa mga terminal para maiwasan ang anumang aberya.

Nakipagtulungan na din sila umano sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno para maging maganda ang pagbiyahe ng mga pasahero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights