PINURI ni AGRI Party-list Rep. Wilbert T. Lee ang pagsasabatas ng Philippine Salt Industry Development Act na kanyang pangunahing iniakda.
Layunin ng batas na ito na buhayin ang industriya ng asin at tugunan ang pangangailangan ng trabaho sa mga kanayunan.
Ayon kay Lee, magbubunga ang muling pagbuhay ng industriya ng asin, sa ng libu-libong bagong trabaho, partikular sa mga komunidad sa kanayunan at baybayin.
“Bukod sa libo-libong trabaho na bagong malilikha ng batas na ito, madadagdagan din ang kita ng ating mga salt farmers. Our work does not end with the signing of this measure into law. We need to ensure its proper and effective implementation,”ani Lee.
“Through this landmark legislation, aside from encouraging investments and increasing local salt production through the expansion of existing and idle salt farms, we will also boost capacity building for salt farmers and strengthen market linkages,” dagdag pa niya.Sa ilalim ng Republic Act No.11985 na nilagdaan bilang batas noong Marso 11, 2024, dapat magtatag ng komprehensibong Salt Roadmap upang ipatupad ang mga programa, proyekto at interbensyon para sa pagpapaunlad at pamamahala, pananaliksik, pagproseso, paggamit, modernisasyon ng negosyo at komersyalisasyon ng asin ng Pilipinas.Sisiguraduhin din ng Department of Agriculture (DA) na gawing isang priority commodity ang asin na dapat gawin locally sa iba’t ibang lugar at rehiyon sa buong bansa.
Sa pamamagitan ng panukalang ito, inuri ang asin bilang isang produkto ng yamang tubig at dapat na exempted mula sa lahat ng mga buwis.
“Nagpapasalamat tayo kay President Bongbong Marcos, sa ating mga kasamahan sa Kongreso sa pangunguna ni House Speaker Martin Romualdez, Committee Chair Cong. Mark Enverga, at Cong. Ron Salo, pati na rin sa mga katuwang natin sa Senado, na kasama nating nagsulong para maisabatas ito,” pahayag ng solon.
“With proper monitoring and implementation, we can achieve our ultimate goal to be salt self-sufficient and become a net exporter of salt. We can now avoid having to import 500,000 metric tons of salt every year, or more than 90 percent of the country’s salt requirement,” dagdag ni Lee.
Sa ilalim ng panukalang ito, ang DA-National Fisheries Research and Development Institute (NFRDI), sa malapit na koordinasyon sa Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech), ang mangunguna sa pag-unlad ng pinakabagong teknolohiya sa produksyon ng asin partikular na sa teknolohiya na nagpapahintulot sa buong taon na produksyon ng asin kahit sa ilalim ng maling pattern ng panahon.
Hinihikayat din nito ang mekanisasyon ng produksyon ng asin at bumuo ng mga teknolohiya na nagtataguyod ng mga alternatibong pamamaraan at mga pamamaraang mabisa sa gastos sa paggawa ng asin.
“Winner Tayo Lahat sa batas na ito na poprotekta sa kabuhayan ng marami nating kababayan, magpapagaan sa pasanin ng local salt producers at consumers, at makakabawas sa pangamba nila na wala silang pantustos sa ibang pangangailangan, tulad ng pagpapagamot kapag nagkasakit,” dagdag pa ng solon. (LB)