Alex Gonzaga Pinagkaguluhan Sa Town Fiesta Ng Teresa, Rizal

Malakas talaga sa masa itong si Alex Gonzaga na kinagigiliwan rin ng mga socialite. 

Nito ngang town Fiesta ng Teresa, Rizal ay grabe kung pagkaguluhan si Alex, as in paglabas pa lang niya ng stage ay sigawan, hiwayan at palakpakan na ang lahat sa kaniya. Lalo ng kantahin niya ang kanyang signature song na “CHAMBE” kung saan pati mayor at councilor ng nasabing lugar ay kanyang napasayaw. 

Tunay ngang crowd drawer itong si Alex na mahusay na concert performer at may aliw factor tuwing nagtatanghal. 

Pinasaya talaga ni Alex at tuwang-tuwa sa kanya ang mga balikbayang Teresanios. 

Bibihira lang tumanggap ng ganitong event si Alex. Pinaunlakan niya ang imbitasyon dahil sa kanyang Daddy Carlito “Bonoy” Gonzaga na kaibigan ng mayor ng Teresa Rizal na si Rodel N. Cruz. 

Happy si Alex at marami siyang napasaya sa nasabing okasyon. 

Ang GForce pala ang nagsilbing back-up dancers niya rito.

Jules Graeser, May Fan Club Na Sa Pinas

Last month sa Chick ‘N Dunk sa Junction Cainta Rizal,  ay inilunsad ang first Fan Club ng International Recording Artist/ Talk show and Event host/ Enterpreneur na si Jules Graeser. 

Mula sa iba’t-ibang lugar galing ang mga miyembro ng Fan Club na ito ni Jules na tinawag nilang JULESNATICS. 

Ang inyong columnist ang siyang nag-cover ng said launching ng JULESNATICS at na-witness ko ang masayang bonding ng bawat members and officers nito. 

Si Ms. Hugot pala ang siyang founder ng Fan Club at si Roms ang tumatayong presidente nito. 

Part-owner ng Chick ‘N Dunk si Jules kaya natikman ng lahat ng attendees including yours truly ang masasarap at specialty nilang roast chicken na ang sauce ay gawa pa ni Chef Boy Logro at ang blockbuster nilang chicken sisig. 

At kahit sa pamamagitan ng Zoom lang nakita ng kanyang mga fans si Jules dahil he is based in Los Angeles California, ay masaya na ang lahat. 

Ang maganda sa attitude ni Jules ay hindi fan ang turing niya sa mga ito, kundi kapatid. Dad Jules nga ang tawag sa kanya ng mga ito. Nag-karaoke din ang lahat na enjoy sa kanilang pagkanta. 

Ang goal pala ng JULESNATICS ay ang magkaroon sila ng Charity Projects at masaya sila at susuportahan ng idol nilang si Jules ang proyekto nilang ito para sa less fortunate nating mga kababayan. 

Gusto rin ng JULESNATICS na maging worldwide sila, na hindi naman imposibleng mangyari at maraming supporters si Jules sa LA at iba pang parts ng America. 

Masipag rin mag-promote sa kanilang social media account ang JulesNatics ng single ng idolo nilang “MAARI BANG IBIGIN KA” na sinulat at composed ni Mr. Vehnee Saturno. 

Nasa event rin ang Gigil Kid na si Carlo at Yo Do Note Girl na si Majo na parehong produkto ng ABS-CBN, na anak-anakan at talent ng parehong social media influencers na sina Hungry Boss(David) at Kapitan VJ(Vince). Sila ang namamahala ng Chick ‘N Dunk na mga kaibigan at kasosyo ni Jules. Sila rin ang owner ng Star Image Family at Aqueous Entertainment na producer ng coming Zcon Concert ni Katrina Velarde sa Samsung Theatre sa April 13, 2024. 

Kung nandidito lang sana si Jules ay magiging guest performer siya ni Katrina. Sabagay napaka-indemand ni Jules sa iba’t-ibang event sa California.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights