MAINIT na tinanggap ni Bureau of Customs District Collector Atty. Ricardo Uy Morales II, CESE, ang mga diplomat mula sa Consulate General ng Japan sa Cebu noong ika-01 ng Marso, 2024.
Pinangunahan ang delegasyon ni Consul General Mr. Hideaki Matsuo kasama ang mga Consul na sina Mr. Masamichi Wanibe, Mr. Toshio Yadomi, at Executive Secretary sa Consul General, Ms. Jeanette Salvaña.
Ginanap ang nasabing pagpupulong sa Port of Cebu, na naglalayong palakasin ang magandang ugnayan sa pagitan ng Japan at Cebu, na nakatuon sa customs, kalakalan, at pagpapalitan ng kultura.
Sumaklaw sa iba’t ibang mga paksa ang mga tinalakay sa panahon ng pagbisita, kabilang ang mutual interests sa pagpapalakas ng trade facilitation, pagpapatibay ng mga hakbang sa seguridad, at pagtuklas ng mga oportunidad para sa pagpapalakas ng kapasidad at teknikal na kooperasyon sa mga operasyon ng customs.
Bukod dito, binigyang-diin ng pagbisita ang kahalagahan ng pagpapalakas ng ugnayan at patuloy na pakikipag-usap upang tugunan ang parehong mga alalahanin na kapaki-pakinabang sa paglago at pag-unlad ng ekonomiya ng parehong mga bansa.
Taos-puso naman ang naging pagpapasalamat ni District Collector Morales para sa pagbisita ng Japanese delegation.
“Ang Port of Cebu ay lubos na nagagalak sa pagbisita ng Consulate General at ng mga Consul ng Japan sa Cebu. Ang engagement na ito ay nagpapalakas sa matibay na ugnayan sa pagitan ng ating mga bansa, lalo na sa pagpapalakas ng mabilis at ligtas na kalakalan. Kami ay nangangako na magpapatuloy sa aming mga pagpupunyagi sa pakikipagtulungan upang mapabuti ang aming mga serbisyo sa customs at makatulong sa paglago ng ekonomiya ng ating mga bansa. Ang Port of Cebu ay umaasang magpapalakas sa mahalagang ugnayan na ito at makikipagtulungan sa Consulate General ng Japan sa Cebu sa mga pinagsamang proyekto sa hinaharap,” pahayag ni District Collector Morales.
Sa ilalim ng pamumuno ni District Collector Atty. Ricardo U. Morales II, CESE, at sa gabay ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio, nananatili ang Port of Cebu sa pangakong magpapalakas ng malalim na ugnayang internasyonal gayundin sa pagpapabuti ng mga serbisyong customs sa pamamagitan ng pakikipag-usap at pakikipagtulungan sa mga internasyonal na kasosyo nito. (DEXTER GATOC)