Organizational Chart ng PIRMA Pinalalabas at Pinasusumite ni Binay

PINALALABAS ni Senadora Nancy Binay sa  People’s Initiative for Modernization and Reform Action (PIRMA) ang kanilang organizational group structure upang matukoy ang kakayahan talaga nila sa pagpapasusulong People’s Initiative campaign.

“Maybe just for submission, kasi for this type of initiative kailangan may organizational chart, ‘di ba? So maybe we can ask Mr. [Noel] Oñate or Atty. [Anthony] Abad, ano po ba ang organizational setup ninyo pagdating dito sa People’s Initiative. For example, dito sa Caloocan, sa NCR: a certain proponent, Jose Isagani M. Gonzales, miyembro ba ng grupo n’yo itong si Gonzales?” ani Binay. 

“Ito bang mga nag-submit na 211 sa Comelec, bahagi ba sila ng organizational charts ng –hindi ko alam kung proper pang tawaging PIRMA because PIRMA does not exist, ‘di ko alam kung anong bagong pangalan n’yo. May ganun ba kayong organizational setup?” tanong ni Binay sa pagdinig ng Senate Committee on Electoral Reforms  ukol sa partipasyon ng publiko ukol sa PI.

Naniniwala si Binay na hindi makakagalaw ang PIRMA sa PI kung wala itong working organization na siyang gagalaw at magpapatakbo para sa pirma ng taong bayan.

“Itong People’s Initiative hindi ito ganun kadali, kailangan mayroong organization na nabuo para maging successful itong People’s Initiative,” dagdag ni Binay.

Tinukoy naman ni Atty. Alex Avisado ang abugado ni Oñate na tanging si Atty. Red Tuazon na siyang incharge sa operason ng PIRMA, na nabigong makadalo sa pagdinig ang siyang makasagot sa PIRMA personnel at volunteers.  

“Mr. Oñate po kasi hindi naman niya kilala ang mga tao on the field, but the operations group would be able to answer all your questions po,”  ani Avisado.

Si Oñate na pangunahing convenor ng PIRMA ang grupong nasa likod ng “EDSA-pwera” ad, na naunang nagsabi na hindi niya kaibigan o kakilala si Tuazon.

Samantala balak naman ni Senador Sonny Angara na magsagawa ng pagdinig ang senado ukol sa Charter Change (ChaCha) sa labas ng Metro Manila upang higit na makuha ang damdamin at pananaw ng publiko ukol sa isyu ng balaking baguhin ang Saligang Batas o Konstitusyon.

Sinabi ni Angara na mismong si Senate President Juan Miguel Zubiri ang nagbigay ng ideya na magsagawa ng pagdinig sa Visayas at Mindanao.

Kinukunsedera din ni Angara  ang Cebu, Cagayan de Oro, Iloilo o Bacolod para sa pagdinig sa labas ng Metro Manila.

Ngunit kailangan munang konsultahin ni Angara ang kanyang mga kapwa senador  upang makadalo ang ito sa pagdinig at hindi masayang ang panahon.  (Nino Aclan) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights