INIHAYAG ng Pag-IBIG Fund nitong Biyernes (Nobyembre 24) na handa ang calamity loan ng ahensya para tulungan ang mga miyembrong naapektuhan ng lindol sa Southern Mindanao at mga pagbaha sa Eastern Visayas.
“Pag-IBIG Fund has allocated calamity loan funds to help affected members in Saranggani, Davao Occidental, Glan, Sarangani Province, General Santos City and other parts of Mindanao, as well as Eastern Samar, Northern Samar and distressed areas in Eastern Visayas recover from the devastation caused by last week’s earthquake and floods. We are also working closely with local government units in these areas, in line with the call of President Ferdinand Marcos, Jr. to extend all the necessary help to our fellow Filipinos in these calamity-hit areas,” pahayag ni Secretary Jose Rizalino L. Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development at Chairperson ng 11 miyembro ng Pag-IBIG Fund Board of Trustees.
Sa ilalim ng Pag-IBIG Calamity Loan, maaaring mangutang ang mga kwalipikadong miyembro ng hanggang 80% ng kanilang kabuuang Pag-IBIG Savings, na binubuo ng kanilang buwanang kontribusyon, kontribusyon ng counterpart employer, at naipon na dividends na nakuha.
At bilang pagsasaalang-alang sa kalagayan ng mga miyembro, inaalok ang pautang sa isang rate ng 5.95% bawat taon, na kung saan ay ang pinakamababang rate sa merkado. Ang pautang ay babayaran sa loob ng hanggang tatlong taon, na may palugit na tatlong buwan upang ang paunang pagbabayad ay dapat lamang sa ikaapat na buwan matapos ilabas ang loan.
Maaaring mag-apply ng calamity loan ang mga qualified borrowers sa loob ng 90 araw mula sa petsa kung kailan naideklara ang isang lugar sa ilalim ng state of calamity.
Samantala, ipinahayag naman ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta na nakapaglabas na ng P2.48 bilyong calamity loans ang ahensya upang matulungan ang 149,607 miyembro sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad sa bansa hanggang Oktubre ngayong taon.
Dagdag pa niya, nananatiling bukas ang mga sangay ng Pag-IBIG sa mga lugar na ito at nakikipag-ugnayan na ngayon sa mga local government units na nagdeklara na ng state of calamity sa kani-kanilang jursidictions, para sa deployment ng service desks at mobile branch ng ahensya, ang Lingkod Pag-IBIG On Wheels, upang makatanggap ng mga aplikasyon para sa calamity loans mula sa mga miyembro gayundin ang insurance claims mula sa mga kasalukuyang borrowers ng Pag-IBIG Housing Loan na ang mga ari-arian ay nasira kasunod ng mga kalamidad.
“We at Pag-IBIG understand that our members in calamity-stricken areas need immediate financial assistance to help rebuild their lives. That is why we make sure that all our programs and services remain accessible to them. Even while our offices and personnel in calamity-hit areas have also been affected by these disasters, our branches remain open and are ready to receive loan applications and housing loan insurance claims. We are also preparing to deploy our Lingkod Pag-IBIG on Wheels to areas which have been most affected, to further bring our services closer to our members. And, for members who have internet access, the Virtual Pag-IBIG is ready to accept their calamity loan applications online. We assure our members that they can count on their Lingkod Pag-IBIG to help them during these trying times,” sabi ni Acosta.