“Importante sa bawat Pilipino ang katapatan sa ating bandila at sa ating bansa.”
Ito ang ipinahayag ni Dr. Jose Antonio “Ka Pep” Goitia, Chairman Emeritus ng People’s Alliance for Democracy and Reform (PADER), Alyansa ng Bayan para sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD) at Liga ng Independencia sa Pilipinas (LIPI), matapos niyang kondenahin ang patuloy na pangangamkam ng bansang Tsina sa Palawan na itinuturing na bahagi ng Pilipinas, batay sa pandaigdigang batas na pinapairal sa ilalim ng International Maritime Law o ang Law of the Sea.
