Palasyo nagpatupad ng WFH sa NCR, 15 probinsya dahil sa malakas na ulan

Pinayagan ng Malacañang ang work-from-home (WFH) arrangement sa mga tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila at 15 probinsya nitong Agosto 10, 2026, dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon o Habagat.

Sa bisa ng Memorandum Circular No. 123 na nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto sa awtoridad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ipinatupad ang WFH arrangement sa National Capital Region at sa mga lalawigan ng Ilocos Sur, La Union, Zambales, Bataan, Rizal, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, Benguet, Pangasinan, Abra, Tarlac, Pampanga, Oriental Mindoro at Bulacan.

Batay sa kautusan, ang mga pampubliko at pribadong paaralan sa mga apektadong lugar ay dapat lumipat sa alternative learning modes para sa lahat ng antas noong Agosto 10, maliban kung may ibang direktiba ang kanilang local chief executives.

Gayunman, hindi saklaw ng work suspension ang mga ahensyang nagbibigay ng basic at health services, disaster and calamity preparedness and response, at iba pang mahahalagang serbisyo.

Inatasan ang mga ito na ipagpatuloy ang operasyon at tiyaking maibibigay ang kinakailangang serbisyo sa publiko.

Samantala, maaari ring magpatupad ng localized cancellation o suspension ng klase at trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno ang mga local chief executive sa iba pang lugar, depende sa sitwasyon.

Ang pagsususpinde ng trabaho o pagpapatupad ng alternative work arrangements sa mga pribadong kumpanya at tanggapan ay nakasalalay naman sa pagpapasya ng kanilang mga pinuno. / (LB)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Verified by MonsterInsights