Tatlong-Araw na Peace Rally ng INC, Opisyal nang Nagtapos

Opisyal na tinapos ng Iglesia ni Cristo (INC) ang kanilang tatlong-araw na peace rally noong Huwebes, kung saan nanawagan sila ng transparency at pananagutan sa pamahalaan. Nagpahayag din ang grupo ng suporta kay Senator Rodante Marcoleta sa gitna ng nakaambang pag-aresto sa kanya kaugnay ng kasong plunder.

Isinagawa ang unang dalawang araw ng peace rally sa People Power Monument sa kahabaan ng EDSA sa Quezon City. Gayunman, inilipat ang huling araw ng pagtitipon sa Liwasang Bonifacio sa Maynila matapos bawiin ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon City ang permit na nauna nitong ipinagkaloob para sa paggamit ng lugar. (BONG SON)

Verified by MonsterInsights