Alcantara nasa poder na ng DOJ, wala na sa kanlungan ng Senado

NASA poder na ng Department of Justice (DOJ) si dating Bulacan 1st District Engr. Henry Alcantara matapos na pahintulutan ng senado kaugnay sa pagapruba ng ahensya sa kanyang application for  Star Witness.
Magugunitang sa huling pagdinig ng senado ay nagpahayag ng kahandaan si Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Senador Panfilo “Ping” Lacson, Chairman ng Blue Ribbon Committee na ibigay ang pangangalaga kay Alcantara dahil nasa ilalim na ito ng Witness Protection Program (WPP).
Dahil dito natutuwa din si Sotto na nababawasan na ang kanilang mga binabantayan ang seguridad dahil nakakulong sa senado matapos na ma-contempt sa pagdinig ng  komite.
Tiniyak naman ni Department of Justice (DOJ) Acting Officer In Charge (OIC) Fredderick Vida na titiyakin nila na makakadalo si Alcantara sa mga pagdinig ng senado maging sa kung kakailanganin ito ng senado.
Siniguro din ni Vida na kanilang paiigtingin ang proteksyon kay Alcantara upang masiguro ang kaligtasan nito.
Matapos mapasailalim sa WPP ang isang indibidwal ay mayroon siyang libre security, pagkain, sasakyan na gagaimiting service, at safe house na kanilang magiging tahanan.  (NIÑO ACLAN)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Verified by MonsterInsights