Invest Scholarship program sa 30 Medical Student ng Taguig aprobado na

Kinikilala ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang unang batch ng mga iskolar sa ilalim ng INVEST Scholarship Program para sa mga medical students sa isinagawang INVEST Scholarship Awarding Ceremony (Batch Tanglaw).

Ayon kay Mayor Lani Cayetano, nasa 127 medical student ang nakapag apply subalit tatlumpu (30) lamang ang na-approve na makatatanggap ng kanilang mga parangal sa scholarsip at tseke para sa kanilang matrikula at sari-saring bayarin bilang bahagi ng mga benepisyo ng programa.

Giit ng alkalde, mahalaga ang good moral character, hindi lamang ang husay sa academic kundi yung values at characters ng studyante ang isa sa tinitingnang para sa qualifications ng scholar.

Matatandaang inilunsad ang INVEST Scholarship Program noong Oktubre 8, 2025 kung saan nagbibigay ito ng komprehensibong suportang pinansyal sa mga naghahangad na maging doktor.

Paliwanag ni Mayor Cayetano, bahagi ito ng patuloy na pamumuhunan ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa edukasyon at kinabukasan ng pangangalaga sa kalusugan. (NINO ACLAN)

Verified by MonsterInsights