Sen. Dela Rosa, Padilla Nagpalipas ng Gabi sa Gusali ng Senado

SA gusali ng senado nagpalipas ng magdamag o gabi sina Senador Ronald “Bato” dela Rosa at Robin “Robinhood” Padilla matapos magpasa ng isang resolusyon ang senado para sa preventive custody ni dela Rosa kaugnay pa din ng ihahaing warrant of arrest sa kanya na inilabas na ng International Criminal Court (ICC).
Ayon kay Padilla ginawa niyang samahan si dela Rosa upang iparamdam dito na mayroon siyang katuwang sa kanyang pinagdadaanang sitwasyon.
Nagpapasalamat naman si dela Rosa sa patuloy na suporta at dasal sa kanya ng kanyang mga tiga-suporta at naniniwala sa kanya.
Nanindigan ang solon na hihintayin niya ang desisyon ng Korte Suprema sa kanyang petisyon ukol sa warrant na ihahain sa kanya.
Tiniyak din ni dela Rosa na patuloy siyang dadalo sa lahat ng sesyon ng senado sa kabila ng hamon ng umano’y warrant of arrest.
Binigyang-diin ni dela Rosa na bilang isang Filipino ay dapat siyang litisin at kung ikukulong man ay dito sa sariling bansa natin.
Sa ngayon ay magkakaroon na lamang ng self medication si dela Rosa sa tinamo niyang sugat mula sa pakikipaghabulan sa mga tauhan ng National of Bureau of Investigation (NBI).  (NINO ACLAN)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Verified by MonsterInsights