𝐏𝐁𝐁𝐌 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐧𝐠𝐮𝐧𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐤 𝐧𝐠 𝐁𝐞𝐧𝐞𝐩𝐢𝐬𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐝𝐞-𝐤𝐚𝐥𝐢𝐝𝐚𝐝 𝐧𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚𝐥𝐮𝐬𝐮𝐠𝐚𝐧
PASIG CITY — Pinangunahan ni 𝗣𝗮𝗻𝗴𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗙𝗲𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝗱 𝗥. 𝗠𝗮𝗿𝗰𝗼𝘀 𝗝𝗿. ang pagsusulong ng mas malawak na access ng mga Pilipino sa de-kalidad na serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng pinalawak na suporta ng PhilHealth sa mga pribadong ospital, sa kanyang pagbisita sa The Medical City (TMC) sa Ortigas, Pasig nitong Lunes.
Kasama sina 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝗖𝗘𝗢 𝗗𝗿. 𝗘𝗱𝘄𝗶𝗻 𝗠. 𝗠𝗲𝗿𝗰𝗮𝗱𝗼 at 𝗧𝗵𝗲 𝗠𝗲𝗱𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗚𝗿𝗼𝘂𝗽 𝗖𝗘𝗢 𝗗𝗿. 𝗦𝘁𝘂𝗮𝗿𝘁 𝗔. 𝗕𝗲𝗻𝗻𝗲𝘁𝘁, nilibot ng Pangulo ang iba’t ibang pasilidad ng ospital upang makita ang aktwal na epekto ng mga reporma sa healthcare financing at ang paglawak ng benepisyong natatanggap ng mga pasyente sa ilalim ng PhilHealth.
Binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗢𝘂𝘁𝗽𝗮𝘁𝗶𝗲𝗻𝘁 𝗘𝗺𝗲𝗿𝗴𝗲𝗻𝗰𝘆 𝗖𝗮𝗿𝗲 𝗕𝗲𝗻𝗲𝗳𝗶𝘁 𝗣𝗮𝗰𝗸𝗮𝗴𝗲, isa sa mga pangunahing repormang ipinatupad noong 2024, na nagbibigay ng tulong pinansyal sa emergency services kahit hindi ma-confine ang pasyente.
Mainit na tinanggap ng Pangulo ang inisyatibo ng The Medical City na nagtayo ng panibagong 𝗔𝗹𝗳𝗿𝗲𝗱𝗼 𝗥.𝗔. 𝗕𝗲𝗻𝗴𝘇𝗼𝗻 𝗣𝗮𝘁𝗶𝗲𝗻𝘁 𝗔𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀 𝗪𝗮𝗿𝗱 para sa mga miyembro ng PhilHealth. Ito ay isang hakbang upang mas maraming Pilipino ang magkakaroon ng access sa dekalidad at world-class na serbisyong medikal.
Sa kanyang pag-iikot, nakipag-usap din si Pangulong Marcos sa mga nakinabang sa pinalawak na maternity care package ng PhilHealth, na nakatulong nang malaki sa pagbawas ng gastusin sa panganganak at pagpapabuti ng maternal healthcare services.
Habang lumalawak ang benepisyo ng PhilHealth, inaasahan na susundan ng mas maraming pribadong pasilidad ang halimbawa ng TMC — sapagkat ang pagtutulungan ng pamahalaan at ng sektor ng kalusugan ang susi upang maging karapatan, hindi pribilehiyo ng iilan, ang world-class na pangangalaga para sa bawat Pilipino.
#MyPhilHealth
#SagotKaNgPhilHealth
