PBBM Maayos na ang Kalusugan, Balik-Trabaho na sa Malacañang

Balik trabaho na sa Malacañang si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at maayos na ang kalagayan matapos magpalipas ng gabi na nakasailalim sa precautionary medical observation dahil sumama ang pakiramdam.

“The President spent the night under medical observation as a precautionary measure after experiencing discomfort. His doctors advised rest and monitoring, and his condition remains stable,” ayon sa pahayag ng Malacañang nitong Huwebes.

“The President continued to carry out his responsibilities while under medical observation and has returned to Malacañang,” dagdag pa ng Palasyo.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, walang humpay na nagtatrabaho ang Pangulo hanggang gabi kaya malamang ay napagod, ngunit kinumpirma naman ng kanyang doktor na maayos ang kalusugan ng Pangulo at itutuloy ang kanyang pagtatrabaho.

Dagdag pa ni Castro, walang dapat na alalahanin ang publiko dahil kayang gampanan ng Pangulo ang kanyang mga tungkulin at itutuloy ang mga naka-iskedyul na mga aktibidad.

Sa katunayan, itinuloy ng Pangulo ang pakikipag-koordinasyon sa mga opisyal ng gobyerno sa pamamagitan ng mga pribadong pulong at may mga paparating na pampublikong gawain.

“Ang importante rito at dapat natin maipaalam sa ating mga kababayan na siya po ngayon ay muling nagtatrabaho at nasa Malacañang. Siya ay nasa maayos na kalagayan  at magkakaroon pa siya ng dalawang pribadong meetings,” ani Castro sa regular na press briefing sa Palasyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Verified by MonsterInsights