PBBM nanawagan ng pagkakaisa sa BARMM bago ang halalan
Iginiit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang malaking papel ng demokratikong partisipasyon sa paghubog ng magandang kinabukasan sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM), partikular na sa paglahok ng mga Bangsamoro sa paparating na eleksyon.
Ito’y isa anyang malaking pagkakataon para marinig ang kanilang boses at mapaigting ang kanilang responsibilidad para sa isang makataong pamahalaan.
“It is our hope that the upcoming BARMM elections will serve as an opportunity for our Bangsamoro brothers and sisters to freely express their voices and aspirations,” pahayag ng Pangulo sa pagbubukas ng pagdiriwang ng ika-pitong anibersaryo ng pagkakatatag ng BARMM na ginanap sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex sa Cotabato City.
“We aspire to further strengthen a leadership that truly serves the people—one that reinforces democracy and accountability,” dagdag ng Pangulo.
Ayon pa sa Pangulo, dapat pamanahan ang mga susunod na henerasyon ng uri ng pamamahala na nagtataguyod ng pananagutan, pakikilahok, at sama-samang responsibilidad.
“My fellow Filipinos, we must stand as guardians of the progress that we have made through peace. Let us always choose unity and cooperation over division,” diin ni Pangulong Marcos.
“So, together, let us build a Bagong Pilipinas marked by peace, by unity, and a shared belief in a brighter future,” pagtatapos ng Pangulo.
Naitatag ang BARMM bilang kapalit ng dating Autonomous Region In Muslim Mindanao (ARMM) sa pamamagitan Bangsamoro Organic Law o Republic Act No. 11054 na isinabatas noong 2018 at niratipikahan sa plebisito noong Enero 21 at Pebrero 6, 2019.
