PBBM Binuksan ASEAN 2026: AI, Seguridad at Kaunlaran Itutulak ng Pilipinas

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Biyernes ang pormal na pambansang paglulunsad ng Chairship ng Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa 2026.

Ginanap ang seremonya sa Foro De Intramuros sa makasaysayang Intramuros, Manila, kung saan inihayag ni PBBM ang magiging direksyon ng 11-bansang bloc sa ilalim ng pangunguna ng Pilipinas sa susunod na taon.

Sa temang “Navigating our Future, Together,” tatlong pangunahing prayoridad ang tututukan ng ASEAN: peace and security anchors, prosperity corridors, at people empowerment.

“These will direct ASEAN’s efforts to strengthen dialogue and cooperation on regional security, deepen economic integration through innovation and sustainability, and uplift the lives and resilience of our peoples,” ani Pangulong Marcos Jr..

Sa ilalim ng peace and security pillar, bibigyang-diin ng Pilipinas ang responsableng paggamit ng artificial intelligence (AI) para tugunan ang mga bagong banta sa seguridad, kabilang ang early warning systems, maritime domain awareness, at humanitarian assistance and disaster response (HADR).

Sa economic pillar, target ng bansa na gamitin ang AI upang tulungan ang rehiyon na maging digitally empowered.
“By promoting the safe, ethical, responsible, equitable, and sustainable adoption of AI… we aim to enhance regional competitiveness, support micro, small, and medium enterprises (MSMEs), and unlock new opportunities for inclusive and sustainable growth,” pahayag ng PBBM.

Samantala, sa socio-cultural pillar, itataguyod ng Pilipinas ang paggamit ng AI para mapahusay ang healthcare, edukasyon, at youth empowerment. Kasama rito ang AI-driven solutions para suportahan ang ASEAN Family at palakasin ang silver economy para sa lumalaking populasyon ng nakatatanda.

“Of course, AI will not replace our human touch; rather, it will magnify our capacity to care, to teach, and to uplift communities across ASEAN,” dagdag ni PangulongMarcos Jr.

Mula Manila hanggang Cebu, Bohol, Boracay, Laoag, Iloilo, Tagaytay, at Clark ilalarga ang mga ASEAN meetings para maipakita ang “spirit of the Filipino people.”

“Each of these places will host ASEAN meetings and events that celebrate our diversity, showcase our culture, and advance our shared goals,” saad ni PBBM.
“Together, these venues tell the story of a nation that mirrors ASEAN itself — diverse yet united, traditional yet forward-looking, and increasingly future-ready through innovation and technology,” dagdag pa niya.

Ipinakita rin nitong Biyernes sa MOA Globe ang opisyal na ASEAN 2026 logo, na ayon kay PBBM ay sumisimbolo ng pagkakaisa at init ng mga Pilipino. Ilulunsad rin ang ASEAN Philippines 2026 website.

Pinapurihan naman ng Pangulo ang ASEAN National Organizing Council sa pangunguna ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin, gayundin ang mga partner mula sa diplomatic corps, pamahalaan, negosyo, civil society at kabataan.

Sa huli, sinabi ni PBBM: “Let us build an ASEAN that is united in its diversity… where technology serves humanity, and where AI helps secure peace, prosperity, and people empowerment.” (LB)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Verified by MonsterInsights