DOLE, Pinalakas ang Libreng Legal na Tulong sa mga Manggagawa

LIBRENG TULONG-LEGAL. Dumudulog ang mga manggagawa sa Public Assistance and Complaints Unit ng Department of labor and Employment para sa legal na patnubay, na nagbibigay-diin sa layunin ng Kagawaran na magbigay ng patas at tumutugon na serbisyong pampubliko sa lahat ng sektor ng paggawa (Kuha ni Alejandro P. Echavez, DOLE-IPS)

Patuloy ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa pagbibigay ng tulong legal at serbisyong pampubliko para sa mga manggagawa at employer, bilang patunay ng kanilang tungkulin bilang mapagkakatiwalaang tagapamagitan sa mga usaping may kaugnayan sa paggawa.

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyakin ang mabilis at pantay na akses sa hustisya sa mga lugar-paggawa, pinalakas ng DOLE ang Public Assistance and Complaints Unit (PACU) upang makapagbigay ng libre, agarang, at inklusibong legal na suporta sa buong bansa.

Sa pamamagitan ng kanilang mga abogado, nagbibigay ang PACU ng libreng tulong legal sa mga reklamo tulad ng hindi nabayarang sahod, maling pagkakatanggal sa trabaho, at iba pang isyung saklaw ng batas paggawa.

Nitong Setyembre, nakatanggap ang PACU ng 191 walk-in clients — 117 lalaki at 74 babae — kabilang ang 16 persons with disabilities (PWDs) at 23 senior citizens. Karamihan sa mga ito ay mula sa National Capital Region, habang ang iba ay galing sa CALABARZONRegion III, at mga karatig-lalawigan, patunay na naabot ng programa ang mga manggagawa sa labas ng Metro Manila.

Batay sa datos ng PACU, 132 sa mga kasong inihain ay itinuturing na simpleng usapin, habang 59 naman ang nangangailangan ng mas masusing legal na pagsusuri. Kabilang sa mga pangunahing isyung tinalakay ang money claims at termination cases (21% bawat isa), management prerogative (14%), at social welfare benefits (11%).

Samantala, ang natitirang 29% ng mga reklamo ay tumutukoy sa iba pang usapin sa paggawa gaya ng separation paygrievancesfloating statusminimum wagetemporary layoffsunauthorized deductions, at mga kasong nakabinbin sa National Labor Relations Commission (NLRC).

Sa pamamagitan ng PACU, pinagtitibay ng DOLE ang pangako nitong palakasin ang makatarungan at pantay na ugnayan sa pagitan ng manggagawa at employer, upang matiyak na bawat Pilipinong manggagawa ay may akses sa patas, napapanahon, at makataong proteksyon sa paggawa. (LB)

Verified by MonsterInsights