HIGIT P40M HALAGA NG MISDECLARED PRODUCTS NASABAT NG BOC

Kuha sa larawan ang mga opisyal ng Bureau of Customs habang ipinapakita ang mga nasamsam ng mga tauhan ng (MICP-CIIS) Customs Intelligence Investigation Services sa pamumuno ni CIIS Chief Alvin Enciso, ang ilang mga kahon mula sa tatlong container na puno ng misdeclared vape products at iba pang regulated goods na nagkakahalaga ng PHP40.5 milyon, sa Manila International Container Port (MICP), nitong Hulyo 31, 2025. Ang mga kontrabando ay nagmula sa China at idineklara bilang kitchenware. (BONG SON)