IBA’T IBANG GRUPO NG MAKABAYANG PILIPINO NAGPROTESTA SA HARAP NG EMBAHADA NG TSINA

NAGPROTESTA ang isang bagong kilusan na kinabibilangan iba’t-ibang grupo ng makabayang Pilipino sa harap ng Embahada ng Tsina sa Makati upang tahasang tutulan ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon upang maangkin ang isla ng Palawan.

Ang daan-daang  Pilipino na nasa ilalim ng Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY) na nagtipon-tipon sa harap ng  embahada ay nagsabing isang lantarang pambubully sa karapatan ng Pilipinas at paglapastangan sa bawat mamamayang Pilipino.

Sa pamumuno ni Dr. Jose Antonio “Ka  Pep” Goitia, first nominee ng ANG BUMBERO NG PILIPINAS (ABP) partylist, ang ginawa nilang protesta ay pagpapakita  ng kanilang pagmamahal sa bayan at makabayang  pagtindig laban sa  agresibong  pagpapalawak ng teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

“Dapat  nang wakasan ang kalokohang ito. Hindi namin papayagan na  agawin ang aming  mga teritoryo  at mga karapatan sa loob ng  ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas  alinsunod sa United  Nations Convention of the Law  of the Sea (UNCLOS) at maging sa naging desisyon ng Permannet Court of Arbitration sa  The Hague  noong Hulyo 12, 2016 na walang basehan  ang “historical rights na iginigiit ng  Tsina,” pahayag ni Goitia.

Hinikayat din ni Goitia na panahon  na upang tumindig  at magkaisa ang mga Piipino dahil ito ay usapin ng bansa at pag-agaw ng  ating sariling lupa at teritoryo.

“Ito at lantarang pagyurak at pag-alipusta sa ating mga Pilipino.  Ang pagbaluktot sa katotohanan ay hindi makatuwiran,” ayon pa kay Goitia.

Sa panayam  kay Goitia na Chairman Emeritus din ng koalisyon at iba pang malalaking grupo na kinabibilangan ng Peoples Alliance for Democracy and Reform (PADER), the Alliance of Filipino Kabalikat sa Demokrasya (ABKD), Liga ng Independencia ng  Pilipinas ( LIPI ) at ( KAMPIL ) Kalipunan ng Masang Pilipino, ay nagpahayag na  masusundan pa ng ibat-ibang  pagkilos ang naunang protesta kung hindi kikilalanin  at irerespeto ng Tsina  ang International Marital Laws. (MARISA SON)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights