BOC, Commissioner Rubio kinilala sa Gawad Pilipino Awards 2024 

Pinarangalan ang Bureau of Customs (BOC) at si Commissioner Bienvenido Y. Rubio sa Gawad Pilipino Awards 2024 noong Nobyembre 19, 2024.

Ang naturang okasyon ay nagbibigay pugay sa mga indibidwal at institusyong nagpapamalas ng kahanga-hangang serbisyo at dedikasyon para sa bayan.

 Si Commissioner Bienvenido Y. Rubio ay ginawaran ng Outstanding Public Servant Award para sa kanyang natatanging pamumuno, makabago at epektibong mga inisyatibo, at mahahalagang kontribusyon sa pagpapabuti ng transparency at kahusayan sa operasyon ng adwana. Sa ilalim ng kanyang pamamahala, nakamit ng BOC ang malaking progreso sa paglaban sa smuggling, pagpapadali ng proseso ng kalakalan, at pagpapataas ng koleksyon ng kita. Kinilala rin ang BOC bilang isang institusyon sa pamamagitan ng Tapat sa Paglilingkod Award para sa kanilang matatag na dedikasyon sa kahusayan sa serbisyo publiko, at bilang pagkilala sa mga makabago nitong programa na nakatuon sa pagpapanatili ng tiwala ng publiko. 

Ipinahayag ni Commissioner Rubio ang kanyang pasasalamat.

“Ang  workforce ng ahenya ang gulugod ng makapangyarihang institusyong ito na kanyang buong pagmamalaking kinakatawan, at buong pagpapakumbabang tinatanggap ang mga parangal na ito sa ngalan ng mga kalalakihan at kababaihan ng Bureau of Customs,” aniya.

“Ang mga parangal na ito ay repleksyon ng kanilang sipag at isang patunay ng lideratong aking sinisikap ibigay bilang Komisyoner ng Adwana. Ang mga parangal na ito ay isang mahalagang tagumpay sa paglalakbay ng Bureau tungo sa pagkakaroon ng isang world-class Customs administration na pinangungunahan ng integridad, transparency, at kahusayan sa serbisyo, alinsunod sa mandato nitong tiyakin ang seguridad ng mga hangganan ng bansa at mapadali ang lehitimong kalakalan,” pahayag pa ni Commissioner Rubio.  (DEXTER GATOC) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights