Dating opisyal ng BoC Atty. Jem Sy, layon na mapabuti ang kalagayan ng mga taga-Marilao

Sa pagnanais na ipagpatuloy ang kanyang panunungkulan bilang isang lingkod bayan, nagdesisyon ang dating opisyal ng Bureau of Customs na si Atty. Jemina Sy na tumakbo bilang alkalde ng bayan ng Marilao sa Bulacan.

Pangunahing layunin ng dating opisyal na mapabuti ang kalagayan ng kanyang mga kababayan na ngayo’y naghahanbap ng tunay na pagkalinga mula sa kanilang mga pinuno sa munisipalidad.

Sa ginanap na ISTAMBAY (Ikaw, Sila, Tayo at Ako Maglilingkod sa Bayan) Kapihan sa B Hotel, ibinalangkas ng mayoral aspirant na maipagkakaloob niya ang tunay na paglilingkod na hinahanap ng mga taga-Marilao sa pamamagitan ng pagpapatayo ng isang tertiary hospital sa munisipalidad, pagpapaayos at pagpapalawak ng mga kalsada upang matigil na ang traffic congestion, pagpapalawig ng negosyo upang makalikha ng trabaho at pagbibigay ng mataas na kalidad ng edukasyon sa kanyang planong makapagtatag ng isang pamantasang paglalawigan na magkakaloob ng libreng pag-aaral sa mga kabataang nagnanais na mapaunlad ang antas ng kanilang pamumuhay.

Tubong Marilao si Atty. Jem at anak ng mag-asawang negosyanteng sina Ginoong Eduardo Domingo Sy at Ginang Nereliza Cruz Mendoza, na parehas ding nagmula sa bayan ng Marilao. 

Si Sy ay consistent honor student, na nagtapos na valedictorian sa elementarya sa Santo Niño Academy at salutatorian sa secondarya sa Saint Paul College of Bocaue. Nakapagtapos naman siya ng kursong AB Legal Management bilang magna cum laude sa Unibersidad ng Santo Tomas sa Maynila noong 2002 at Bachelor of Laws din noong 2006 na kung saan siya ay consistent dean’s lister sa San Beda College of Law. Nakapasa siya sa Bar Exam ng nasabi ring taon. 

Sa kasalukuyan, mayroon siyang sariling law office na kanyang itinatag noong 2008 at sari-sari pang mga negosyo. Ang malaking porsyento ng kanyang income ang ipinangtutustos ni Sy sa pagtulong sa kanyang mga kababayan sa Marilao.

Marami ding talent si Atty. Sy at kabilang na rito ang pagiging kilalang aktres, celebrity performer at television host. Siya ay lumabas sa mga pelikulang: Bubog (2017), The Barker (2017) at The Lookout (2018) at naging segment host rin ng travel show na TO A T sa Foxlife Chanel.  

Nakatanggap siya ng mga parangal noong 2017 bilang Most Outstanding Filipino In Women Empowerment (Gawad-Amerika Awards), Most Promising Indie Actress (Gawad Sining Short Film Festival para sa pelikulang Bubog) at Grand Achiever of the Year Award (Diamond Golden Awards Night).

Noong nasa Bureau of Customs pa siya, nakitaan siya ng magandang track record at naging pinakabatang port collector sa edad na 30 taong gulang at chief customs operations officer noong 2014 matapos manguna sa qualifiying exam para sa promosyon. (BONG SON)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights