MGA SENADOR LUMABAS NA NG SENADO PARA TALAKAYIN ANG ECONOMIC PROVISION SA PANUKALANG CHACHA

MATAPOS ang ilang mga pagdinig na ginawa sa gusali ng lumabas na sa kanilang lungga ang mga senador upang talakayin ang ilang panukalang economic provision sa ilalim ng Resolution of Both Houses (RBH) 6 para sa panukalang Charter Change (Chacha).

 

Mismong si Senador Sonny Angara, Chairman ng Senate Committee on Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes ang namuno sa unang pagdinig sa labas ng senado na ginanap sa Baguio City.

 

Hindi naman nagpatalbog ang ibang senador sa hindi pagdalo sa naturang pagdinig dahil kahit maging si Senate President Juan Miguel Zubiri ay present.

 

Layon sa pagdinig ay upang higit na makuha ang opinyon ng ating mga kababayan ukol sa naturang panukala bago pa man ganap na makagawa ng rekomendasyon ang komite.

 

Naging masaya si Angara sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga lider at mamamayan hindi lamang ng tagaBaguio kundi maging karatig probinsya ng mga ito.

 

Tiwala naman si Angara na hindi pagsasayang ng oras at pera ng taong bayan ang kanilang isinagawang pagdinig bagkus ay higit na natuto ang bawat isa at upang makalikha ng mas higit na pag-amyenda ng mga economic provisions dahil sa pagkuha sa pulso ng taong bayan.

 

Tiniyak din ni Angara na hindi ito ang una at huling gagawing pagdinig sa labas ng senado kundi mangyayari ito sa iba pang lugar sa ating bansa. (Nino Aclan)

 

 

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights