AICS PAYOUT NG DSWD PINANGUNAHAN NI LAPID

NANGUNA si Senador Lito Lapid sa AICS payout ng DSWD sa Malabon City noong Miyerkules, May 7, 2024.

Sa inisyatiba ng tanggapan ni Sen. Lapid, naipamahagi ang umabot sa dalawang  milyong pisong ayuda para sa 1000 na benepisyaryo sa Malabon.

Nagpasalamat ang mga benepisyaryo kay Sen. Lapid sa napapanahong tulong sa kanila.

Kasama ni Senador Lapid sa nasabing aktibidad sina Congresswoman Jaye Lacson-Noel, former Cong. Bem Noel at dating aktres na si Angelika de la Cruz, barangay chairwoman ng Brgy. Longos, Malabon na naging mga daan para maisakatuparan ang inisyatiba na ito. (NIÑO ACLAN)

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights