Pansamantalang isinara ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Manila International Container Port Custom Intelligence Investigation Service (MICP-CIIS) sa pamumuno ni CIIS Chief Alvin Enciso ang Luis Auto Supply, matapos itong mapag-alaman na nagbebenta ng smuggled na piyesa ng Forklift sa Masangkay St Binondo, Manila.
Nag-ugat ang joint operation ng Custom CIIS at NBI ng makatanggap ng impormasyon na nagbebenta ng nasabing nakaw na mga produkto, sa bisa ng Letter of Authority na inisyu ni Bureau of Customs Commissioner Bienvenido Rubio.
Binigyan ng 15 araw para magsumite ng mga kaukulang papeles na nagpapatunay na nagbabayad ng tamang buwis ang naturang negosyo sa kanilang mga binebentang imported goods,. (BONG SON)