AGRESIBONG AKSYON NG CHINA COAST GUARD SA WPS, KINONDENA NG ABKD

Simbolikong nagpakawala ng mga kalapati at nag alay ng bulaklak ang Alyansa Bantay Kapayapaan at Demokrasya (ABKD) sa isang press conference sa Quezon City nitong Abril 5, 2024, upang kondenahin ang patuloy na agresibong aksyon ng China Coast Guard sa West Philippine Sea at Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ayon sa grupo, dapat igalang ng China ang karapatan ng mga mangingisdang Pilipino na malayang mangisda sa West Philippine Sea na pangunahing kabuhayan nila.

Hinimok din ng grupo ang sambayanang Pilipino na manindigan at ipagtanggol ang soberanya ng bansa sa WPS sa pamamagitan ng mapayapang paraan. (BONG SON)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights