Senador Lapid, Cong. Chua nagsanib puwersa para magbigay ayuda sa mga nasunugan

NAGSANIB puwersa sina Senador Manuel “Lito” Lapid at Manila Congressman Joel Chua sa mga nasunugan sa Quiapo, Maynila.

Umabot sa 413 pamilyang nasunugan ang tumanggap ng tulong kay Lapid at Chua sa halagang tig-lilimang libong piso.

Kuwento ni Lapid na habang nagkakaroon sila ng taping ay naganap ang sunog kaya’t agad siyang nakipag-ugnayan kay Chua upang tanungin kung ano ang maaring itulong.

Sa Quiapo madalas ang location ng Shooting ng FPJ’s  Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Actor Coco Martin kasama si Lapid.

Ikinuwento din ni Lapid na ang relasyon nila ni Chua ay masyadong malalim dahil noong siya ay unang nanalong senador ay si Chua ang isa sa kanyang mga abugado sa tanggapan.

Aminado si Lapid na hindi siya gaano katalino at kailangan ng abugadong kanyang maaring kunsultahin para ipangtapat kina Senadora Defensor, Enrile at Pimentel.

Dahil sinabi ni Lapid na ang pagtutulungan nilang dalawa ay patunay na ang anumang isyu sa relasyon ng mababang kapulungan ng kongreso at senado ay usapin lamang ng pulitika.

Iginiit nina Lapid at Chua na sa pagbibigay serbisyo at pagdamay sa ating mga kababayan ay dapat magkaisa at magtulungan.

Mainit na sinalubong at nagpapasalamat naman ang mga biktima ng sunog sa tulong na ipinaabot ng senador.

Ayon sa sigaw ng isa mga tinulungan ay hindi nila makakalimutan ang pagtulong na ito ng senador at sobra ang kanyang tatanawing utang na loob. (Nino Aclan)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this:
Verified by MonsterInsights