NANAWAGAN si Senadora Grace Poe sa Korte Suprema na bigyang pansin ang inihaing petisyon ng mga transport group ukol sa Public Utility Vehicles (PUV) modernization program ng pamahalaan.
Naniniwala si Poe na ang magiging desisyon ng korte ay magiging basehan ng modernization program ng plan ng pamahalaan.
Aminado naman si Poe na magandang balita ang inihayag ng pamahalaan na extension para sa PUV consolidation.
Ngunit sa naturang extension ay dapat magkaroon ng pag-uusap ang transport group at ang pamahalaan para sa isang makataong modernization program.
Umaasa din si Poe na sa panahong ito ay maayos ang mga route plans at maayos na makonsulta ang mga apektadong grupo.
“We all want a win-win situation that will improve the livelihood of our small drivers and operators and at the same time give our commuters a better ride,” ani Poe.
Kaugnay nito aminado naman ang mga commuters na sandaling maipatupad na ng pamahalaan ang naturang programa ay tiyak na maapektuhan sila sa kanilang paglalakbay lalo na sa oras ng pagpasok at pag-uwi sa trabaho.
Sa kasalukuyan hanggang hindi pa nababawasan ang bilang ng mga sasakyan sa kalsada ay nagiging madali pa din para sa mga commuter ang makasakay papasok at pauwi sa trabaho. (Niño Aclan)